mag tatagalog muna ako sa blog ko. rant lang naman din to eh.

kasi sobrang sakit na ata talaga ng left shoulder ko pati yung left side ng leeg ko. pati ang left side ng lower back.

di ko alam kung bakit. maayos naman ang tulog ko last night.

at kung stiff neck lang to, eh di sana kaninang umaga pa pag gising na feel ko na ang pain

sa may neck ko. pero bat nag start sa shoulders then after a few hours lang siya nag radiate?

ewan. nurse pa naman sana ako pero wala akong makitang explanation sa mga queries ko.

anyway, speaking of that, nag self-pity na naman ako kasi feeling ko ang bobo ko kung i-compare ako sa mga

ka group ko. oo na! ganito ako ka sensitive. kasi kanina, nabanggit na naman ang score sa NMAT o National Medical Aptitude Test.

Unfortunately, di ako masyadong nakakuha ng mataas na marka. Tama tama lang siguro na makapasok sa med school na gusto ko.

so ayun, nag kukumparahan na ng percentile ranks. ANG TATAAS NG MGA SCORE NILA! pwedeng mahiya?!

ewan. siguro competitive lang ako masyado (kahit hindi naman obvious) na pag nalalamangan ako eh nag se-self pity na.

parang worthless ng feeling ko kanina. pero naisip ko din, i could have done better. or siguro yun na yung better para sa akin.

or sadyang mahina lang talaga utak ko. ewan. waaaaaa!

gusto kong i-take ulit ang exam. just to prove something. ayokong maging hanggang doon na lang. gusto ko ng magandang buhay

sa hinaharap and the only way to get there is to do good in school. di man sa school at least do good in everything i do.

unfortunately, yung katamaran ko ang laging umiiral sa akin. ewan ko ba bakit ako ganito.

gusto kong magbago pero ang daming hindrance within me na ayaw akong pagbaguhin.

so dagdag pa sa physical pain na nararamdaman ko, may emotional and intellectual pain din. medyo na hulog ang ego ko sa sahig.

sakit pala. ouch! haha! di ko alam san ako mag start to be good at something. feels like people don’t appreciate people like me.

kasi there’s someone better. ewan ba. magis naman sana dapat ang pagiisip ko kasi trained naman ako since high school sa ateneo.

pero i guess i’m more of the talk part. puro dada wala naman action. (oo na. para sa mga ungas na “friends” and enemies na makakabasa nito. tama na kayo. pero sige lang. i’ve dedicated my 2 middle fingers for you!)

i should do something about ME. to become better. i’ve said this before pero i really wanna be serious about it.

Advertisements

About krjarabelo

KR Jarabelo "Kyle" 22 years old Registered Nurse Medical Student at Davao Medical School Foundation, Inc. Frustrated Photographer Frustrated Blogger Sentimental Insensitive Loner Observant Imaginative Creative Overly shy Sometimes, overconfident
This entry was posted in Rants. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s