Filipino Mentality: Kapag lalaki ka, dapat may girlfriend!

Parang reaction entry ko sa previous entry ko na bago-bago ko lang din na publish. This is my observation. From my point-of-view. People may react against it or with it. I don’t care.

Usually talaga pag may mga get together, hindi talaga maiwasan sa isang lalaki na matanong kung may girlfriend na ba siya. Nangyayari ito lalo na’t ang kasama mo eh yung mga nakakatanda like nung mga tito, uncles, mga tatay o mga lolo. Sa isang gwapong lalaki (mayabang na rin), hindi mahirap ang sitwasyong ito. Magmamalaki pa yan sa kung ilang babae na ang naging girlfriend nyan o kaya’y ilan na ang napaiyak at naikama nito. Pero sa mga lalaking katulad ko naman na hindi naman artistahin, walang angking ka machohan at hindi masyadong madiskarte sa babae, eh talagang napaka awkward ng moment yung tatanungin ka kung may girlfriend na ba?

Para kasi sa mga old timers natin, kapag lalaki ka, eh dapat talagang may girlfriend ka at hindi lang isa. Dapat napagsabay sabay pa. Yan ang typical Filipino fathers o yung mga  Alpha Males of the family. Minsan naman, sa barkadahan rin eh nagtatanungan ng ganyan.

Sukatan ba talaga sa pagiging lalaki ang bilang ng naging girlfriend nya? Na pag nakakarami ka eh talagang tunay kang lalaki at kung wala eh medyo alanganin? Eh kung ganun naman pala, parang ang babaw naman. Hindi lang mababaw yung ideya, parang ang babaw na rin ng tingin natin sa mga kababaihan at sa ating pagkalalaki na rin. At talagang napaka unfair na ideya para dun sa mga lalaking walang nobya.

Tsaka kung ganun naman pala, bakit tayo nag-rereact kapag yung bunso nating kapatid na babae (o yung anak nating babae) eh nililigawan ng isang lalaki? Bakit iniisip natin na di dapat saktan nung nanliligaw yung bunsong kapatid (o anak) natin eh kung ang mindset natin eh paramihan pala ng naliligawan at napapasagot? Diba kung ganun ang mentality mo, eh dapat hayaan mo na ring ligawan ng kung sino lang yung mga kapatid (anak) nating babae? Nakakatawa lang. Kasi parang ang inconsistent ng mentality ng Pinoy.

Siguro nga nagmumukha akong defensive kasi ako walang girlfriend. Pero kung isipin natin ng mabuti, bakit nga ba? Ganun ba talaga kababaw ang kalalakihan na sinusukat ang pagkalalaki sa rami ng girlfriend (o kabit)?

Dapat ang babae, pinapahalagahan. Hindi dahil babae lang sila kundi tao rin naman. Ang babae, o sabihin na nating inferior in nature sila sa lalaki (according to the bible, though nowadays, mas nagiging superior na sila kesa sa mga lalaki) eh talagang dapat respetuhin at hindi ituring na laruan at papalitan pag pinagsawaan na. Isipin natin na ang mga nanay natin ay babae. Isipin din natin na may mga kapatid tayong babae na ayaw nating masaktan.

Ang sekswalidad ng isang lalaki ay hindi nasusukat sa bilang ng nakakasamang girlfriend. Ang pagiging lalaki ay pagiging responsable sa mga ginagawa at sinasabi nito at sa paninindigan nito sa babae sa pang habang buhay. Ika nga sa isang commercial sa TV, “Ang tunay na lalaki, marunong mag hintay!” Marunong maghintay sa tamang panahon.

(in defense na rin para sa akin at sa mga katulad kong tunay na lalaki na walang girlfriend, sa ngayon! at para na rin sa mga babaeng biktima ng panloloko 😉

Mga kababawan na nag de-describe sa isang lalaki:

eto iyan.. from: http://www.sulit.com.ph/index.php/view+topic/id/79663/Ano+ang+basihan+ng+tunay+na+lalake..

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

Advertisements

About krjarabelo

KR Jarabelo "Kyle" 22 years old Registered Nurse Medical Student at Davao Medical School Foundation, Inc. Frustrated Photographer Frustrated Blogger Sentimental Insensitive Loner Observant Imaginative Creative Overly shy Sometimes, overconfident
This entry was posted in Friends, General Information, Rants. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s